top of page
Search

Inang Mapagmalasakit


"Edukasyon lamang ang mapapana ko sa kanila kaya kahit mahirap kakayanin ko para sa kanila"

Ginang Arenas, 2020




Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi napapawi kailanman. Sa tuwing tayo ay magkakasakit, ang "ina" natin ay laging nagmamalasakit. Isang pagmamahal na hindi mapapawi kailanman ang makitang ang kaniyang anak na makapagtapos ng pag-aaral ilan lamang ito sa palagiang pangarap ng bawat inang aking nakakaharap.


Si Ginang Arenas ay mayroong tatlong anak at isa sa mga ito ang naging mag-aaral ng Refuge Christian Academy. Isa siya sa mga magulang na nagsumikap upang tulungan kaniyang mga anak sa kabilang ng pandemya kinahaharap ng ating bansa.


Alam niya sa sarili niya na ang kayamanang kanyang ibinabahagi sa kaniyang mga anak ay yaman hinding mananakaw ninuman. Maging siya man ay nahirapan sa umpisa ngunit patuloy niyang pinanghawakan ang kaniyang pangako hindi bilang tungkulin sa kaniyang mga anak.


Matutunghayan sa larawang ito kung paano niya inilaan ang kaniyang oras upang maturuan ang kaniyang anak na sumulat at bumigkas. Patunay nga ang pagmamahal ng ina ay higit sa lahat ng bagay.


Maging inspirasyon ang kaniyang kuwento sa bawat isa.




 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

09387551846

©2021 by Refuge Christian Academy. Proudly created with Wix.com

bottom of page